ERC, may nakitang pagkakaiba sa energy generation supply purchases ng Meralco

Nasilip ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang mga pagkakaiba sa energy generation supply purchases ng Meralco.

Partikular ang purchase power na idineklara nito sa kanilang financial report.

Bunga nito, lumutang ang mga haka-haka na posibleng makansela ang prangkisa ng Meralco kahit sa 2028 pa ito mapapaso.


Una na ring iginiit ni House Deputy Speaker Rodante Marcoleta na dapat nang suriin at repasuhin ng Kongreso ang prangkisa ng Meralco kahit sa 2028 pa ito mapapaso.

Ayon kay Marcoleta, nakasaad sa Section 4 ng prangkisa ng power distributor na “dapat mag-supply ang Meralco ng koryente sa ‘captive market’ nito sa pinakamurang halaga at dapat competitive’ ang power rates sa lahat ng uri ng customers.

Aniya, dapat nang amyendahan ang Section 10 ng RA 7832 upang tuluyan nang maalis ang tinatawag na ‘system loss’ dahil hindi naman kasalanan ng mga consumer ang pagkawala o pagkanakaw ng koryente.

Binigyang-diin niya na halos P23 billion bawat taon ang net income o malinis na kita ng Meralco kaya hindi nito iindahin ang pag-aalis sa ‘system loss’

Bukod dito ay pinaaalis din ng mambabatas ang local franchise tax sa bill sa koryente at hindi aniya ito dapat ipapasan sa mga consumer.

Nabatid na halos P23 billion bawat taon ang net income ng Meralco kaya hindi nito iindahin ang pag-aalis sa ‘system loss’.

Facebook Comments