Kinumpirma ni suspended Energy Regulatory Commission o ERC Chairperson Monalisa Dimalanta na may desisyon na ang Energy Regulatory Commission patungkol sa distribution charge ng Meralco hanggang 2026.
Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni Dimalanta na pinayagan ng ERC na ipako sa kasalukuyang rate ang average Distribution Charge ng Meralco na P1.35kwh hanggang 2026.
Pinagbotohan aniya ito ng komisyon nitong August 20.
3-2 umano ang naging resulta ng botohan kung saan nag-dissent o di-bumoto si Dimalanta dahil dapat anila magkaroon ng reset sa distribution rate ng Meralco sa taong 2022-2026 o 5th regulatory period.
Paliwanag ni Dimalanta, walang naging reset sa nagdaang 4th regulatory period kaya’t dapat nagkaroon nito habang hindi pa tapos ang 5th period.