Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang power distribution utilities sa bansa na ibalik sa consumers ang regulatory reset fee na sinisingil nito mula noong 2015.
Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, nararapat lamang na ibalik ito sa consumers dahil naglaan na ang gobyerno ng pondo para sa mga consultant at hindi naman ito nagamit sa mga nakalipas na taon.
Sa Meralco consumers, ang refund na ₱0.22 kada kilowatt-hour ay makikita sa February 2025 billing.
Sa ngayon, hindi pa inilalabas ng ERC ang opisyal na listahan ng lahat ng private utilities na dapat magsagawa ng refund, bagama’t tinukoy na ang Meralco, VECO, Davao Light, Cepalco, at iba pa.
Ito ay bukod pa sa naunang inanunsyong refund ng Meralco dahil sa overcollection mula 2022 hanggang sa kasalukuyan.