ERC, rerebyuhin ang hirit na dagdag singil ng mga power company sa loob ng tatlong buwan

Rerebyuhin ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang aplikasyon ng mga distribution utlities para sa pag-adjust ng singil sa kuryente sa loob ng dalawa hanggang tatlong buwan.

Ayon kay ERC CEO and Chairperson Monalisa Dimalanta, maglalaan sila ng panahon kung kailan ito ipapataw at kailangan pang dumaan sa hearing ang apela ng mga power company kung saan imbitado ang mga konsyumer.

Matapos ang hearing ay doon tutukuyin kung kailan ito ipapatupad at kung hanggang kailangan ipapataw ang dagdag singil sa kuryente.


Nilinaw naman ni Dimalanta na kasama rin ito ang posibleng refund o balik-bayad sa mga consumer.

Kahapon, nasa 48 na distribution utlities kabilang ang Meralco ang nag-apply sa automatic cost adjustment at true-up mechanism para sa taong 2020 hanggang 2022.

Facebook Comments