ERC, sinuspinde ang koleksyon ng feed in tariff allowance

Ipinatigil ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagkolekta ng feed in tariff allowance sa tatlong billing allowance.

Ang feed in tariff allowance ay sinisingil sa mga consumer para sa pagtiyak ng development at promotions ng renewal energy sa bansa.

Sa isang resolusyon, inaprubahan ng ERC ang suspensyon nito mula December hanggang February 2023.


Ayon kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, layon nito na maibsan ang pasanin ng publiko sa mataas na presyo ng bilihin.

Facebook Comments