Eroplano ng Cebu Pacific, bahagyang lumagpas ng runway sa NAIA Terminal-3

Umabot hanggang sa madamong bahagi ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang eroplano ng Cebu Pacific.

Ito’y matapos na lumagpas sa nasabing runway habang inaalis ang eroplano mula Bay 111 at Bay 122A.

Dahil dito, pansamantalang hindi magamit ang mga bay kaya’t apektado ang oras ng flight ng ibang eroplano.


Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), pasado ala-1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

Wala naman pasahero at crew ang eroplano ng Cebu Pacific Air na A-321 kung saan nasa maayos rin kalagayan ang piloto.

Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng MIAA Aircraft Recovery Team para maialis agad ang nasabing eroplano habang humihingi sila ng pang-unawa sa ibang pasahero na naabala sa oras ng kanilang pag-alis.

Facebook Comments