Eroplano ng Korean Air na nakabalandra sa Mactan-Cebu International Airport, aabutin pa ng 2 araw bago maalis sa runway

Inamin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na dalawang araw pa bago maalis sa runway ang sumadsad na eroplano ng Korean Air sa Mactan-Cebu International Airport.

Sa ngayon, limitado pa ang flight operations sa naturang paliparan dahil may oras lamang ang pagbubukas ng runway para bigyang daan ang unti-unting paghatak sa eroplano.

Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, naging pahirapan ang pagtanggal sa aircraft dahil sa malambot ang lupa dulot ng madalas na pag-ulan.


Kahapon, inunang paliparin ang isang flight patungo ng South Korea para bigyang daan ang mga stranded na pasahero.

Nakunan na rin ng statement ng aircraft investigators ang mga piloto at crew ng sumadsad na eroplano.

Facebook Comments