Friday, January 16, 2026

Eroplano ng Saudia Airlines, nabalahaw sa NAIA complex

Sumadsad sa damuhang bahagi ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplano ng Saudia Airlines matapos itong mag-landing kaninang pasado alas- 2:00 ng hapon sa Terminal 1.

Ayon sa ilang pasahero, maayos naman ang paglapag ng Saudia Airlines flight SV-862 mula Riyadh, Saudi Arabia subalit nagulat na lamang sila ng bigla itong magpagewang-gewang

Nabatid na nabalahaw ang hulihang gulong nito sa damuhang bahagi nang lumiko sa taxiway papunta sa earobridge.

Dahil dito, hindi na makaalis ang nasabing eroplano at isa-isa na lamang na ibinaba ang mga pasahero.

Wala namang nasaktan sa mga pasahero at ligtas silang naibaba ng eroplano.

Facebook Comments