Eroplanong nabalahaw sa NAIA runway, nahatak na

256

Kinumpirma ng Manila International Airport Authority (MIAA) na pasado alas dies kanina nang tuluyang mahatak ang Jetstar Asia Airbus A320 jet na na-stuck sa NAIA Runway.


Ayon sa MIAA, ang naturang eroplano ay nasa Lufthansa Technik Aircraft Maintenance Center na.

Patuloy naman ang clearing operations sa bahagi ng NAIA runway kung saan nag-overshoot ang aircraft.

Unang kinumpirma ng Manila tower, na kasalukuyang nagta-taxi ang Airbus 320 ng Jetstar Japan kaninang madaling araw nang lumagpas ito sa runway at na-stuck sa damuhang bahagi.

Patungo sana ng Narita, Japan ang naturang eroplano.

Facebook Comments