Error-free learning resources, target ng DepEd sa darating na sa pasukan

Tiwala ang Department of Education (DepEd) na makakapaglabas ang kagawaran ng mga error-free learning resources.

Ito ay para sa mag-aaral mula sa pampublikong paaralan na magsisimula na ang klase sa susunod na buwan.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, sinusubukan nila na maging malinis at maayos ang mga modules para sa mga mag-aaral.


Hindi naman ititigil ang pagpapaunlad pa ng kalidad ng mga kagamitan sa tulong ng pagsunod sa quality assurance protocols.

Opisyal na magbubukas ang klase sa September 13 na una nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng distance learning.

Facebook Comments