‘Error-free’ modules ngayong pasukan, pinatitiyak ni BBM

Pinatitiyak ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Department of Education (DepEd) ang “error-free” modules na gagamitin ng mga mag-aaral ngayong pasukan.

Ayon sa senador, dagdag pahirap ang mga maling modules lalo’t napag-alaman na mas kakaunti ang natututunan ng mga bata sa virtual classes sa ilalim ng blended learning.

Kaugnay nito, iminungkahi rin ni Marcos ang pagkakaroon ng DepEd ng review and edit committee na sasala sa mga learning modules bago ipamahagi sa mga mag-aaral.


Facebook Comments