‘Error-free’ na learning materials, tiniyak ng DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ginagawa nila ang lahat ng paraan para masigurong ‘error-free’ ang mga self-learning modules at ibap ang learning materials na ginagamit ng mga estudyante.

Nabatid na nanawagan si Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairperson Senator Sherwin Gatchalian sa kagawaran na ayusin ang quality assurance process nito lalo na sa production at distribution ng learning materials.

Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, sinisikap nilang mabawasan hanggang sa maialis ang lahat ng mali sa learning materials.


Nakipag-ugnayan na ang DepEd sa mga eksperto mula sa iba’t ibang rehiyon para tumulong sa quality assurance ng learning modules.

Bukod dito, nakikipag-usap din ang kagawaran sa mga academe at pribadong sektor para sa produksyon ng learning modules sa mga susunod na Quarters.

Sinabi ni San Antonio na may ilang supplementary learning materials na pwedeng gamitin ng mga guro na hindi kailangang dumana sa Quality Assurance ng Central Office.

Gayumpaman, hinimok ng DepEd sa publiko na isumbong ang anumang errors na makikita sa learning modules at iba pang materials sa kanilang DepEd Error Watch.

Facebook Comments