Umani naman ng reaksyon mula sa mga netizen ang steamy photo ni Anne Curtis at Marco Gumabao na magkasama sa isang pelikula.
Sa larawang ibinahagi ni Anne sa kaniyang Instagram na may caption, “We’re our darkest secret.
#JustAStranger”
Kabilang sa nagkomento dito ang asawa ni Anne na si Erwan Huessaff.
Ayon kay Erwan, “Who’s that stranger?”
Sumagot naman si Marco ng “Omg please don’t kill me people.” na kinagiliwan naman ng mga netizen.
Dagdag naman ni Erwan ang pabirong, “She’s your problem now. You need to learn how to cook now. That girl is always eating.”
Wala pang teaser, trailer, poster and the actual film yan ha #JustAStranger pic.twitter.com/jU7qKS1Jsy
— #JustAStranger SOON (@annecurtispls) July 17, 2019
Ipinarating din ng fans ang kanilang excitement sa upcoming movie ng dalawa.
Magkasama sa pelikula si Anne Curtis at Marco Gumabao na pinamagatang “Just a Stranger” sa pamamahala ng direktong si JP Laxamana. Ishinoot ang mga scene sa Porto, Portugal.
https://www.instagram.com/p/Bx_gHNwBRuB/
Ikinasal si Erwan Huessaff at Anne Curtis sa Queenstown, New Zealand noong Nobyembre 12, 2017.