Erwin Tulfo, nag-sorry sa ‘excessive rant’ pero hindi binawi ang puna kontra DSWD chief Bautista

Sec. Bautista photo by GMA News / Erwin Tulfo photo courtesy Facebook

Humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Erwin Tulfo sa aniya’y sobra-sobrang pagwawala on-air, matapos hindi paunlakan ni Department of Social ang welfare Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista ng panayam.

Sa kanyang programang ‘Tutok Tulfo’ sa Radyo Pilipinas, inamin nitong nasobrahan ang kanyang ‘rant’, pero iginiit na hindi niya babawiin ang mga puna nito dahil ginagawa niya lang aniya ang kanyang trabaho bilang journalist.

“I ask for an apology sa excessive ranting, ‘yung sobrang pagmumura at galit ay medyo nasobrahan nga. Five minutes of ranting, I think that was too much,” ani broadcaster.


“Pero ‘yung pagpupuna sa kanya na wala siyang ginagawa, na kailangan magtrabaho siya, it will stay. Hindi ko babawiin iyun, because wala sa lahi namin na binabawi ng commentaries namin about trabaho mo,” giit niya.

Matapos hindi sagutin ni Bautista ang tawag ng host sa latest episode ng ‘Tutok Tulfo’, sinabi nitong “Tinatawagan ka namin para marinig ng mga kababayan nating mahihirap ang stand ng mga mahihirap. Hindi ‘yung sasabihan mo kami na sumulat muna kayo five days before. Eh sino ka bang p*nyeta ka na kailangan ko pang sumulat-sulat sa’yo? Sagutin mo ‘yang telepono mo dahil ikaw ay DSWD!”

Binantaan din ni Tulfo ang retired Army general na sasampalin ito at “mumudmurin” ang mukha sa inidoro.

Ayon kay Tulfo, gusto niyang makapanayam ang DSWD chief tungkol sa plano ng ahensya matapos mapirmahan ang Magna Carta of the Poor.

“‘Yung wala kang silbi, that I will not take back because ayaw niyang sumagot. Mga tao nag-aantay. Ever since maupo si Secretary Bautista sa DWSD, ni nungka hindi malaman ng mga tao ang plataporma niya o ano ang plano niya sa ahensya,” hirit ni Tulfo.

Hindi naman ito ikinatuwa ng ilang retired military officers at sa ngayon ay mayroon nang higit 2,000 latao na pumirma sa petisyon na mag-offer ang broadcaster ng “sincere apology” kay Bautista.

Facebook Comments