Erwin Tulfo nagmamay ari ng pitong baril ayon sa PNP Firearms and Explosives Office

Pitong armas ang nakarehistro sa pangalan ni Brodkaster Erwin Tulfo.

 

Ito ang kinumpirma ni PNP Firearms and Explosive Office Director Police Brig. Gen. Valeriano De leon.

 

Aniya malinaw ang nakalagay sa liham para kay Erwin Tulfo na isuko nya ang kanyang mga armas dahil expired na ang kanyang license to own and possess firearms o LTOPF.


 

Maari aniya itong isuko ni Tulfo sa pinakamalapit na police station sa kanyang lugar.

 

Kanina sinabi ni PNP spokesperson Police Col Bernard Banac na magiging target ng oplan katok si Erwin Tulfo kapag nagmatigas itong hindi isuko ang kanyang mga armas.

Facebook Comments