
Muling nanindigan ang Malacañang sa hindi pagdalo ng ilang mga gabinete at opisyal ng ehekutibo sa ginagawang pagdinig ngayon ng Senado kaugnay sa pagsuko kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Sa ambush interview sa Malacañang, iginiit ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may mga paksa sa hearing na hindi saklaw ng executive privilege.
Dahil dito, sumulat si Bersamin kay Senate President Chiz Escudero at Sen. Imee Marcos para pormal na mag-abisong hindi na masasagot ng executive officials ang mga itatanong sa pagdinig.
Samantala, iginiit din ni Palace Press Officer Claire Castro ang patungkol sa executive privilege ay matagal nang sinang-ayunan ng Korte Suprema.
Marami nang kaso ang nadesisyunan ng Korte kung saan ang executive privilege ay maaaring i-invoke ng pangulo at high-ranking officials deliberative process privilege, presidential communications privilege, o states privilege.