ES Lucas Bersamin, itinanggi ang paratang na tumanggap ng kickback mula sa DPWH projects

Itinanggi ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang mga ibinunyag laban sa kaniya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi kasi ni Bernardo na isa umano ang Office of the Executive Secretary sa humihingi ng kickback mula sa mga proyekto ng DPWH.

Ayon kay Bersamin, walang katotohanan ang mga alegasyon at hindi rin nakikialam ang kaniyang opisina sa alokasyon ng mga budget sa DPWH.

Iginiit din ni Bersamin na hindi siya nakipag-ugnayan kailanman kina dating Usec. Bernardo at Department of Education (DepEd) Undersecretary Trygve Olaivar.

Binanggit ni Bernardo si Olaivar na tumawag sa kaniya noong 2024 para pag-usapan ang tungkol sa unprogrammed appropriations na nakalaan umano para sa opisina ng Executive Secretary.

Facebook Comments