Sunday, January 18, 2026

ES Ralph Recto, handang humarap sa Ombudsman kaugnay sa isyu ng ₱60B pondo ng PhilHealth

Tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto ang buong pakikipagtulungan niya sa Office of the Ombudsman kaugnay ng reklamong isinampa laban sa kanya at kay dating PhilHealth President Emmanuel Ledesma.

Ang reklamo ay inihain ng Save the Philippines Coalition, na nag-aakusa ng technical malversation, plunder, at grave misconduct dahil sa umano’y iligal na paglilipat ng mahigit ₱60 bilyong pondo ng PhilHealth.

Ayon kay Recto, iginagalang niya ang karapatan ng sinuman na dumulog sa korte at handa siyang humarap sa imbestigasyon ng Ombudsman upang linawin ang mga alegasyon laban sa kanya.

Sinabi rin ni Recto na ipaliliwanag niya ang panig ng pamahalaan sa tulong ng Office of the Solicitor General.

Gayunman, iginiit ng Executive Secretary na hindi siya magpapadala sa ingay ng pulitika at mananatiling nakatuon sa trabaho upang mapabuti ang takbo ng pamahalaan at maihatid ang serbisyo sa taumbayan

Facebook Comments