ES Recto, kailangan ngayon ng administrasyon

Buo ang paniniwala ni Committee on Good Government and Public Accountability Chairman at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na si Executive Secretary Ralph Recto ang uri ng lider na kailangan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kasalukuyan.

Diin ni Chua, ang husay ni Recto bilang manager at ang pagiging fiscal and administrative disciplinarian nito ang eksaktong katangiang akma para sa tungkulin ng Executive Secretary.

Ayon sa mambabatas, nakasama niya si Recto sa Kamara at nasaksihan niya ang malinaw nitong pananaw at mga estratehikong hakbang, lalo na noong depensahan nito ang panukalang pondo para sa Department of Finance.

Tiwala si Chua na magagamit ni Recto ang parehong kakayahan at disiplina sa pagtupad ng kanyang papel bilang Executive Secretary.

Facebook Comments