Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi kontrolado ng China ang Sabina o Escoda Shoal.
Ito’y sa kabila ng paglisan sa lugar ng BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard.
Iginiit ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na ang presensya ng maraming barko ng China sa Escoda Shoal ay iligal.
Ayon kay Trinidad, makakaasa ang sambayanang Filipino na gagawin ng AFP ang lahat para maprotektahan ang ating soberenya sa West Philippine Sea at kanya ding sinabi na mayroong contingency plans ang Sandatahang Lakas sa anumang posibleng sitwasyon.
Samantala, iginiit din ni Trinidad na walang epekto ang pag-alis ng BRP Teresa Magbanua sa kakayahan ng Pilipinas na bantayan ang Sabina Shoal dahil maraming paraan para i-monitor ang sitwasyon sa lugar at maging sa kabuuan ng West Philippine Sea.