Inatasan na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang NBI na imbestigahan ang escort servicing scheme sa NAIA

111

Partikular ang sinasabing pag-escort sa paliparan sa ilang illegal Chinese workers.

Ayon kay Sec.Guevarra, inatasan niya ang NBI na magsagawa ng fact-finding probe sa mga tauhan ng gobyerno na nasa likod ng “escort facilitation services for a fee” at sampahan ang mga ito ng kaukulang kaso kapag may nakitang basehan.


Nais ni Guevarra na palawakin pa ng NBI ang imbestigasyon sa human trafficking syndicates na kumikilos sa NAIA terminals.

Sinasabing sampung libong piso ang binabayaran ng bawat Chinese na dumadating sa NAIA para makapasok sa bansa at iligal na magtrabaho sa Pilipinas.

Facebook Comments

From Advertisers