
Sinampahan ng patung-patong na kasong kriminal at administratibo sa Office of the Ombudsman si dating Senate President Chiz Escudero at iba pang opisyal ng probinsya ng Sorsogon.
Ilan sa mga kasong isinampa laban sa Senador at iba pang opisyal ay Anti-Graft and Corrupt Practices, Technical Malversation, Fraud Against Public Treasury, at Falsification sa ilalim ng Revised Penal Code.
Ayon kay Atty. Eldrige Marvin Aceron, nag-ugat ang kaniyang pagsasampa ng kaso laban sa senador at iba pa dahil sa systematic irregularities at potential malversation na nagkakahalaga ng mahigit 352.6 milyong piso noong siya ay nakaupo bilang gobernador ng nabanggit na probinsya.
Dagdag pa niya na ilan sa naging basehan niya sa paghahain ng reklamo ay ang COA report ng pamahalaan ng Sorsogon noong 2021.
Kung saan ilan aniya sa mga proyekto ng taon na iyon ay kwestyonable.
Isa na riyan ang mahigit ₱125.7 million na infrastructure contracts na iginawad sa dalawang contractor na may parehong tauhan at equipments.
Bukod dito, kasama rin sa isinumiteng ebidensya ang halos ₱8.5 milyong halaga ng janitorial at laundry contracts na suportado umano ng falsified documents, conflicting notarization, at hinihinalang pekeng client reference.
Una nang nagsampa ng ethics complaint si Aceron laban sa senador sa Senado nakaraang buwan dahil naman sa umano’y pagtanggap ng illegal campaign donations.









