Escudero, tinuro si Romualdez na ‘mastermind’ sa flood control projects

Direktang pinangalanan ni dating Senate President Chiz Escudero si dating House Speaker Martin Romualdez na nasa likod ng maanomalyang flood control projects.

Sa manifestation ni Escudero sa plenaryo, pinangalanan niya si Romualdez na nasa likod ng kaguluhan, pag-aaway at pagkakawatak-watak ng institusyon habang inililigtas ang sarili sa katiwalian ng mga ghost projects.

Tinukoy ng mambabatas na bakit tila nasesentro sa mga senador ang isyu gayong ang tunay na nasa likod ng “script” at sarswela ng flood control projects na si Romualdez ay hindi man lang napatawag, naimbestigahan at nasampahan ng kaso.

Iginiit ni Escudero na maraming beses na binanggit ng iba’t ibang resource persons sa mga imbestigasyon ang pangalan ni Romualdez ngunit sa huli ay binabawi at nagagawan aniya ng paraan para mailihis at hindi masama ang pangalan ni Romualdez sa anomalya ng ghost flood control.

Partikular na tinukoy ni Escudero ang pagbanggit noon ng mag-asawang Discaya at ni dating Philippine Marines Technical Sergeant Orly Regala Guteza kay Romualdez patunay na sangkot ito sa katiwalian ng mga substandard at palpak na proyekto.

Samantala, handa naman ni Escudero na depensahan ang kaniyang sarili at sa katunayan ay inihahanda niya ang mga kaso laban sa mga nag-aakusa at nagdadawit sa kanya ng mga malisyoso at walang katotohanan na alegasyon.

Facebook Comments