Eskuwelahan, Sunog!

Tabuk City, Kalinga – Isa na namang sunog ang nangyari sa Tabuk City, Kalinga.

Sa impormasyon na ibinahagi ni RMN News Correspondent Jessie Maguiya, ang sunog na puminsala sa Calanan Elementary School sa barangay Calanan ng naturang lungsod ay nangyari kaninang alas dos ng hapon.

Isang building ng eskuwelahan ang napinsala sa naturang pangyayari.


Bagamat naapula na ay naroon pa rin ang mga bumbero ng BFP Tabuk para sa clearing operation habang sinusulat ang balitang ito.

Magugunitang kaninang 2:00 ng madaling araw ng December 25, 2017 ay isa ring sunog ang nangyari sa Dagupan, Tabuk City, Kalinga na kung saan ay natupok ang simbahang katoliko na St Joseph Parish.





Facebook Comments