ESKWELA BAN! | Nationwide ban sa paggamit at pagbenta ng sigarilyo sa loob at labas ng eskwelahan, ipatutupad na sa susunod na school year

Manila, Philippines – Ipatutupad ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng school year 2018-2019 ang ‘Eskwela Ban’ sa sigarilyo.

Sa ilalim nito, bawal nang manigarilyo o magbenta nito sa loob at labas ng paaralan sa buong bansa.

Ayon kay DepEd Legal Affairs Usec. Alberto Muyot – ang naturang proyekto ay tatlong taong partnership sa Tobacco-Free Kids Action Fund na una nang ipinatupad sa ilang piling paaralan sa Pasig, Makati, Batangas, Bulacan, Bataan at Pampanga.


Magsasagawa rin ng mahigpit na monitoring ang DOH, pamimigay ng training manuals, school-based campaign materials para bigyang kaalaman ang mga estudyante sa ipatutupad na programa.

Facebook Comments