ESKWELA BAN SA SIGARILYO | DepEd, mas palalawakin pa ang kampanya kontra paninigarilyo

Manila, Philippines – Sisimulan na sa susunod na school year ‎2018-2019 ng Department of Education (DepEd) ang “Eskwela Ban sa Sigarilyo” sa buong bansa.

Ito ay matapos na subukan ang proyekto sa ilang pilot areas sa bansa na pinili mismo ng DepEd.

3 taon na ang nasabing proyekto na una na nang sinubukan sa mga paaralan sa Pasig at Makati city gayundin sa Batangas, Bulacan at Pampanga.


Nabuo ang Eskwela Ban sa sigarilyo sa wikang Filipino na Eskwela laban sa sigarilyo na layuning labanan ang paninigarilyo upang mapangalagaan ang kalusagan ng mga mag aaral.

Sa naturang proyekto babantayan ang pagbebenta ng sigarilyo malapit sa mga eskwelahan.

Dapat nasa 100 metro ang layo ng tindahan ng sigarilyo at mga patalastas nito upang hindi makaakit sa mga mag aaral.

Pinagbabawalan narin ang mga paaralan na kumuha ng sponsorship mula sa anumang tobacco companies.

Facebook Comments