ESKWELAHAN SA CARANGLAAN, DAGUPAN CITY KUNG SAAN PANSAMANTALANG NANUNULUYAN ANG ILANG EVACUEES, PINASOK DIN NG TUBIG BAHA

Pinasok rin ng tubig baha ang eskwelahan na ito sa Caranglaan, Dagupan City na nagsisilbing Evacuation Center ng mga residenteng lumikas.

Mula sa bahagi ng Canipaan, Hidalgo St., at Campo 6, ang ilan sa residenteng inilikas matapos na umabot hanggang bewang ang tubig baha sa mga nasabing lugar, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Barangay, tinatayang nasa 16 na pamilya ang kanilang inilikas dahil sa naging pagtaas ng tubig baha at inaasahang madagdagan pa ang mga lilikas.

Nagluluto rin sila ng mga pagkain na maaaring kainin ng mga lumikas na pamilya tulad ng lugaw.

Naabutan naman na ng relief goods ang mga pamilyang lumikas mula sa lokal na pamahalaan.

Samantala, nagbigay katiyakan ang mga kawani ng Barangay na hindi sila tumitigil sa pagtutok sa mga sitio sa kanilang lugar upang agaran na mabigyan ng tulong lalo na ang mga dapat na ilikas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments