Eskwelahan sa Shariff Aguak nasunog!

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng BFP Shariff Aguak kaugnay sa nangyaring sunog na naitala sa Satan Elementary School noong sabado ng sabado.
Inaalam pa rin kung ano ang naging dahilan ng sunog na nagresulta sa pagkakatupok ng apoy ng apat na silid aralan na kinabibilangan ng Kinder, Grade 1, Grade 2 at Grade 3 bukod pa sa tanggapan mismo ng Principal ayon pa kay sa BFP Shariff Aguak Fire Marshall FSIns Ronald Ampang sa naging panayam ng DXMY.
Sinasabing nagsimula ang insidente sa likod ng Kinder Classroom . Maswerteng walang nasaktan sa pangyayari. Habang inaalam din kung magkano ang halaga ng mga nasunog na ari-arian.
Samantala, magkakaroon naman ng shifting sa schedule ng eskwela ng mga naapektuhang mag-aaral base naman sa impormasyon mula kay Maguindanao 1 Schools Division Bai Alibai Benito Aliuden.
BFP SA Pic

Facebook Comments