España Boulevard sa Maynila, pinakamabilis na bahain

Pinakamabilis na bahain sa Metro Manila ang España Boulevard sa lungsod ng Maynila.

Sa datos ng MMDA, 20 Millimeters lamang na buhos na ulan sa loob ng isang oras ay magdudulot na ng 30 Centimeters o halos isang talampakang baha, na aabutin naman ng 45 minuto bago humupa.

Kapag lumala ang pag-ulan sa 80 Millimeters kada oras, aakyat ang baha sa tatlong talampakan at hindi na ito madadaanan ng mga sasakyan.


Sinabi ni Manila City Engineer Armand Andres na tinutugunan na nila ang problema sa pamamagitan ng Clearing Operations at Declogging sa mga drainage.

Paliwanag ni MMDA Flood Control Chief Baltazar Melgar, basura pa rin ang pangunahing dahilan ng mga pagbaha sa kamaynilaan, kabilang na ang mahinang Drainage Systems, at mga informal settler na nakatira sa mga daluyan ng tubig.

Ang mga bahaing kalsada sa Quezon City ay Araneta Avenue malapit sa Talayan Village at Commonwealth Avenue malapit sa Bitoon Circle.

Ang iba pang flood-prone roads sa Metro Manila ay R. Papa, Quirino Avenue, Rizal Avenue, at Taft Avenue sa Maynila, Edsa-Quezon Avenue at Timog Avenue sa Quezon City, Macarthur Highway sa Valenzuela, C3 sa Caloocan, at Mayapis, Kamagong, at Buendia sa Makati.

Facebook Comments