Espekulasyon na may hidwaan sina Pangulong Duterte at anak na si Mayor Sara, dapat tuldukan na

Umaasa si Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) Chairman Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na matutuldukan na ang espekulasyon na may hidwaan sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at anak nito na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Sinabi ito ni Revilla kasunod ng paghahain ngayong hapon ni Pangulong Duterte ng Certificate of Candidacy (COC) sa pagka-senador sa 2022 elections.

Sabi ni Revilla, malinaw na nangibabaw ang pagmamahal sa bayan at kapakanan ng bawat Filipino sa naging desisyon ng Pangulong Duterte.


Una nang umugong ang posibilidad na tumakbong bise presidente si Pangulong Duterte kung saan makakalaban niya ang anak na si Mayor Sara Duterte na vice presidential bet ng Lakas-CMD.

Samantala, sabi naman ni Senator Christopher “Bong” Go, mainam na sa senatorial race lalaban ang pangulo.

Diin ni Go, ayaw rin niyang magkasakitan si Pangulong Duterte at anak na si Mayor Sara kung magsasalpukan sila sa parehong posisyon sa darating na halalan.

Facebook Comments