Espekulasyon sa ABS-CBN franchise, pinatitigil ni Speaker Alan Peter Cayetano; desisyon ng Kamara, inaasahang magiging patas

1213

Hiniling ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tigilan na ang mga espekulasyon kaugnay sa ABS-CBN franchise.

Sa kanyang manifestation sa plenaryo, sinabi ni Cayetano na walang mangyayari kung magsisiraan at magpapakalat ng kasinungalingan na lalo lamang magpapalala sa isyu.


Sinagot din ni Cayetano ang mga kritiko na nagsasabing mas inuuna pa ang isyu ng franchise ng ABS-CBN sa halip na unahin ang mga mahahalagang panukala.

Sinabi ng Speaker na hindi nakatengga kundi nagtatrabaho ang Kamara, patunay diyan ang mga ipinasang panukala para sa COVID-19 response.

Sa katunayan, ay ilang beses na nabinbin ang pagdinig sa ABS-CBN franchise dahil sa mga kinakailangang aprubahang panukala para paigtingin ang efforts ng gobyerno laban sa pandemya.

Sa huli ay sinabi ni Cayetano na kuntento siya sa kinalabasan ng pagdinig at kumpyansang sapat na ito para pagbasehan ng magiging desisyon sa prangkisa ng giant network.

Samantala, umaasa naman si Majority Leader Martin Romualdez sa patas na desisyon ng mga kongresista at gawing batayan ang mga “facts” na iprinesenta at hindi ang mga haka-haka.




Nanawagan naman si Romualdez sa publiko na igalang ang anumang kalalabasang judgment o pagpapasya ng mga kongresista kaugnay sa ABS-CBN franchise.

Facebook Comments