Espekulasyon sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Duterte, hindi nararapat – ayon kay Senator Ejercito

Manila, Philippines – Kinastigo ni Senator JV Ejercito ang mga nagpapalutang ng kung anu-anong espekulasyon patungkol sa lagay ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay makaraang hindi makadalo sa independence day activity ang pangulo noong Lunes at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita sa publiko.

Giit ni Senator Ejercito, sa halip na maghinala sa kondisyon ng pangulo ay makabubuting magkaisa na lang tayong lahat laban sa mga pagsubok na kinakaharap ngayon ng bansa.


Binigyang diin pa ni Senator Ejercito na kilala si Pangulong Duterte sa pagiging tapat, transparent at prangka kaya siguradong hindi nito ililihim ang tunay niyang kondisyon.

Mas makabubuti, ayon kay Ejercito na antabayanan na lang ang mga pahayag ng palasyo patungkol sa kalagayan ng pangulo.

“Now is not the time to speculate on the health of the President. As I have been saying, let us show a united front in the face of the challenges before us. If there is anything we know of President Duterte, it is that he is honest, direct to the point and transparent. I am not worried because I am certain he will address this issue, if there is “an issue”, pahayag ni Senator Ejercito.

DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments