Espenido, ipinagtanggol ni Senator Dela Rosa

221

Nanindigan si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa para sa integridad ni Police Lieutenant Colonel Jovie Espenido kahit kasama ito sa drug watchlist ng Philippine National Police o PNP.

Tiwala si Dela Rosa na malilinis ang pangalan ni Espenido mula sa pagkakasama sa narco-list.


Sa kabila nito ay sinabi ni Dela Rosa na walang failure of intelligence pero natagalan lang ang pag-validate o pagberepika ng PNP sa impormasyon kaya hindi pa naaalis ang pangalan ni Espenido sa listahan.

Aminado si Dela Rosa na nagulat siya bagama’t inaasahan na niyang madadamaay si Espenido sa narco-list.

Hinala ni Dela Rosa, posibleng resbak o may nag-iimbento ng istorya sa mga nasagasaan opisyal ni Espenido sa Intelligence Community na posibleng sangkot sa illegal drug trade.

Facebook Comments