Nais ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na magtayo ng telecommunication facilities hindi lamang sa loob ng kampo ng militar kundi maging sa mga eskwelahan at mga bayan.
Ito ay matapos lagdaan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kasunduan sa DITO Telecommunity Corporation, na magbibigay daan sa pagpapatayo ng telco facilities sa loob ng military camps.
Nanindigan si Esperon na malaking kalokohan na magagamit ng China sa pang-eespiya ang mga itatayong telco towers.
Wala aniya dapat ikabahala at dapat pa itong ikatuwa.
Una nang tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Edgard Arevalo na ang presensya ng mga naturang istruktura sa loob ng kanilang mga kampo ay hindi makaaapekto sa national security ng bansa.
Facebook Comments