ESPIKULASYON LANG? | P-Duterte, hindi kumbinsidong may nakalusot na ₱6.8-B shabu shipment

Manila, Philippines – Hindi kumbinsido si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkakalusot umano ng P6.8 billion na halaga ng droga na nasa loob ng magnetic lifter sa Cavite.

Ayon sa Pangulo, pawang mga espikulasyon ang mga pahayag ng PDEA.

Bagaman hindi direktang binanggit ang PDEA, sinabi ng Pangulo na dapat maging mas mahigpit sa pagbabantay at pagmamanman ang mga otoridad.


Kailangan kasi aniya ng mahigpit na ebidensya kapag nagbabantay sa mga droga.

Facebook Comments