Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na maaari namangisampang muli ang kasong may kaugnayan sa iligal na droga laban kina KerwinEspinosa, Peter Lim at Peter Co.Ito ang sinabi ng Malacanang matapos i-dismiss ng Prosecutors Office ngDepartment of Justice ang kasong may kaugnayan sa iligal na droga labankina Espinosa, Lim at Co dahil umano sa kakulangan ng ebidensiya laban samga ito.Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, maaari pa namangisampang muli ng Philippine National Police (PNP) ang kaso basta mayroongbagong ebidensiya na makapagpapatunay sa kanilang kinalaman sa iligal nadroga.Sinabi ni Roque na inaasahan nila na rerespasuhin ni Justice SecretaryVitallano Aguirre ang kaso at kung kailangang ire-file ang kaso na maykaragdagang ebidensiya ay gagawin ito.Sinabi pa ni Roque na nakababahala ang naging desisyon ng DOJ sa kaso perosa ngayon ay hindi nila alam kung ano ang tunay na dahilan kung bakitnabasura ang kaso pero tiyak naman na pagaaralan ito ni Secretary Aguirre.
ESPINOSA, LIM, CO DRUG CASE | Ibinasurang kaso, pwede pang isampa ulit – Palasyo
Facebook Comments