Manila, Philippines – Naghahanda na ng PNP sa muling pagsasampa ng kaso laban sa mga umano’y malalaking drug lords na sina Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co. Kasunod ito ng pagkakabasura ng Department of Justice (DOJ) sa kasong inihain ng CIDG laban sa mga nasabing drug personalities. Ayon kay PNP Spokesman police Chief Supt. John Bulalacao, nagkausap na sina CIDG Director Csupt. Roel Obusan at Justice Secretary Vitaliano Aguirre para i-review ang desisyon ng DOJ. Tiniyak pa ni Bulalacao na gagawa sila ng mga legal na paraan para magiing malinaw ang kaso at ma-convict ang mga itinuturing na malalaking drug lord sa bansa. Ayon kay Bulalacao, ngayon palang ay kumikilos na ang mga legal teams at imbestigador ng PNP para maghanap ng mga bagong testigo at ebidensya laban sa mga akusado. Una nang dinismis ng DOJ ang drug charges laban sa tatlo at iba pang mga umano’y drug personalities dahil sa kakulangan ng ebidensya at kwestyonableng pahayag ng mga testigo.
ESPINOSA-LIM-CO DRUG CASE | Muling pagsasampa ng kaso nina Espinosa at iba pang mga umano’y drug lords, pinaghahandaan ng PNP
Facebook Comments