ESPINOSA-LIM-CO DRUG CASE | PNP, naghain na ng motion for reconsideration sa ibinasurang kaso ng DOJ

Manila, Philippines – Naghain na ng Motion for Reconsideration ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) patungkol sa pagbasura ng drug case laban kay Kerwin Espinosa at iba pang drug personalities.

Sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, gagawin ng PNP ang lahat ng legal na paraan para mapanagot ang mga tao na sangkot sa sindikato.

Sa reklamo ng CIDG, si Kerwin Espinosa, Peter Lim at Peter Co at ilan pang mga personalidad ay magkakasangkot sa nangyayaring pinakamalaking drug operation sa Visayas.


Si Kerwin Espinosa, na anak ng napaslang na Albuera mayor Rolando Espinosa, ay isang self-confessed drug dealer.

Si Peter Lim naman ang umano’y Cebu-based drug king-pin na tinukoy ng Pangulo bilang pinakamalaking drug lord sa bansa.

Habang Si Peter Co, ay kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison at umano’y kasama sa mga nagpapatakbo ng drug trade mula sa loob ng Bilibid.

Matatandaang kahapon ay binasura ng DOJ ang reklamong isinampa ng CIDG laban sa mga ito dahil sa kakulangan umano ng ebidensya.

Facebook Comments