Essential workers, babakunahan na rin sa harap ng pagdami ng mga nasa productive group na tinatamaan ng COVID-19

Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nakalinya na rin sa pagbabakuna ang essential workers.

Sa harap ito ng pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit sa COVID-19 na nasa edad 20 pataas.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, partikular na tinatamaan ngayon ng COVID ang mga pumapasok sa trabaho sa Metro Manila.


Bunga nito, ilalaan aniya sa essential workers o A4 group ang mga bakunang dadating sa bansa sa mga susunod na araw.

Kinumpirma rin ni Vergeire na inirekomenda na rin sila sa pamahalaan na ipatupad ang ‘work-from-home’ arrangement sa iba pang mga manggagawa.

Samantala, inihayag ni Vergeire na normal lamang na magkaroon ng panibagong mga sintomas ang virus tulad ng rashes at iba pa.

Facebook Comments