Estado at kakayahan ng “anti-flood master plan” para sa Kalakhang Maynila at mga kalapit na lugar, pinapabusisi ng isang kongresista

Hiniling ni House Deputy Speaker Ralph Recto sa House Committee on Public Works and Highways na magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation” sa estado at kakayahan ng “anti-flood master plan” para sa Kalakhang Maynila at mga kalapit na lugar.

Sa inihaing House Resolution 224 ay sinabi ni Recto na layuning ng pagbusisi ng Kamara na mabatid kung may saysay ang gastos ng pamahalaan sa nabanggit na programa.

Target din ng pagdinig na makahanap ng mga solusyon sa palagi na lamang problema sa baha lalo’t ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madalas tamaan ng kalamidad tulad ng bagyo.


Ayon kay Recto, may ₱350 billion Metro Manila Flood Management Master Plan na roadmap ang pamahalaan at naka-programa mula 2012 hanggang 2035.

Binanggit ni Recto na mahigit sa ₱785 billion na pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa ilalim ng 2022 National Budget ay ₱128.97 billion lamang ang nakalaan sa Flood Management Program.

Facebook Comments