Inilatag ng Philippine Navy kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanilang strategic role bilang bahagi ng AFP sa Comprehensive Archipelagic Defense Concept.
Ang CADC ay isang insiyatibo para sa pagpapalakas ng maritime security at defensive posture ng Pilipinas.
Sa 2nd quarter command conference ng Philippine Navy ngayon araw, ipinaalam ni Navy Chief Vice Adm. Toribio Adaci Jr. sa pangulo ang kasalukuyang estado at mga plano hukbo at binigyang diin ang kahalagahan ng modernisasyon.
Ayon naman kay Pangulong Marcos, patuloy na palalakasin ng pamahalaan ang kakayahan ng Philippine Navy at ng buong sandatahang lakas.
Kinilala rin ng pangulo ang mahalagang papel ng navy sa pagpapanatili ng national security at ang pangangailangang isulong ang pagpapahusay ng defense capabilities sa pagtugon sa mga hamong pangseguridad.