Humina at bumagal ang paglago ng mga nagpapa-utang na bangko bunsod ng COVID-19 pandemic.
Base sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), 4.7% lamang ang itinubo ng mga utang ng universal at commercial banks nitong Agosto na mas mabagal kumpara noong Hulyo na may 6.7%.
Anila, resulta ito ng pagbaba ng loan demand, mahinang performance ng corporate sector at hindi pakikipagsapalaran ng ilang bangko.
Sumadsad naman sa 16.5 % ang ekonomiya ng bansa nitong second quarter ng taon at tinaguriang pinakamalala mula 1981.
Facebook Comments