Sinuri ng Bautista Rural Health Unit (RHU) ang implementasyon ng mga pangunahing programang pangkalusugan sa pamamagitan ng isinagawang Program Implementation Review (PIR) para sa 2025.
Layon ng aktibidad na tukuyin ang estado ng iba’t ibang health programs at alamin ang mga kinakailangang hakbang para mapalakas pa ang serbisyong pangkalusugan sa susunod na taon.
Kabilang sa muling tiningnan ang pagpapatupad ng maternal and child care, immunization, nutrition, at disease prevention, pati na ang mga nagdaang accomplishments at challenges ng RHU.
Mula sa pagsusuri, nakapagtakda ang tanggapan ng mas malinaw na direksyon at estratehiya para sa pagpapalakas ng mga proyekto at programa.
Tiniyak din ng RHU ang pagpapatuloy ng koordinasyon sa lokal na pamahalaan at iba pang sektor upang maging mas mabilis at epektibo ang pagpatupad ng mga ito.









