Pinapasilip ni OFW Party-list Representative Marissa Magsino sa Mababang Kapulungan ang estado ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa “death row” o naghihintay na mapatawan ng parusang kamatayan sa iba’t ibang bansa.
Sa inihaing House Resolution 684 ay tinukoy ni Magsino na batay sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA), noong September 2022 ay nasa 65 na OFWs ang nasa death row kung saan 48 ay mga lalaki.
Sabi ni Magsino, kasama sa layunin ng pagdinig ng Kamara na mabatid ang “assistance” o tulong ng pamahalaan sa mga naturang OFWs.
Ayon kay Magsino, ito ay para matukoy kung ano ang epektibong “intervention” o mga dapat pang gawin upang maisalba ang kanilang buhay habang tinitiyak na maibibigay ang hustisya sa mga biktima.
Facebook Comments