Magkakaroon ng pagpupulong si Pangulong Bongbong Marcos sa pagitan ng mga may-ari ng iba’t ibang European shipping companies sa Brussels, Belgium.
Ayon kay Department of Foreign Affairs-Office of ASEAN Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu, pag-uusapan sa pagpupulong ang isyu sa kalagayan ng mga marinong Pinoy.
Sinabi ng opisyal na bagama’t wala pa siyang hawak na detalye kaugnay dito ay nagpahayag na ito na isa ang isyu kaugnay sa may 50,000 Filipino seafarers ang matatalakay ng presidente sa kanyang pakikipagpulong sa EU.
Una nang pinangangambahan ang posibleng pagkakaroon ng problema ng mga Filipino seafarers na nagta- trabaho sa European vessels dahil sa umano’y pagkabigo ng bansa na makapasa sa European Maritime Safety Agency’s evaluation sa nakalipas na 16 na taon.
Sinabi ni Espiritu na isa ang lider ng Denmark ang makakapulong ng pangulo sa Brussels, Belgium at mahalaga aniya ang meeting na ito ng Pilipinas at ng Denmark para sa isyung ito.
Hindi lamang aniya sa maritime cooperation sa halip maging sa ship building cooperation mayroon ang Pilipinas at Denmark at sa katunayan ay may ship building facility sa Cebu ang isang Denmark company na Austal Philippines na gumagawa ng ferry.