Estado ng pagbibilang ng mga boto para sa BSKE, lagpas 70% na – COMELEC

Lumagpas na sa 70% na estado ng pagbibilang ng mga boto kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa datos na inilabas ng Commission on Elections (Comelec), as of 5:30pm nasa 72.1 % na bilangan ng boto kung saan naka-100% na ang Region 3 o Central Luzon.

Sa kabuuan mayroong 201,793 na clustered precinct sa buong bansa at sa naturang bilang 145,553 dito ang counting precincts.


Facebook Comments