Estado ng pamumuhay ng mga Pinoy, gumanda

Mas nakikita na ngayon ng mga Pilipino ang pag-unlad ng bansa.

Ito ang lumabas sa consumer expectation survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Mula sa dating -22.5% noong 4th quarter ng 2018 at nasa -0.5% ang overall confidence index sa unang quarter ng taon.


Ayon kay BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo – ibig sabihin, mas nabawasan na ngayon ang mga Pilipinong nagsasabing masama ang estado ng kanilang pamumuhay.

Ang positibong tugon ng mga respondents ay bunsod ng mataas na sahod, pagpapabuti ng peace and order, mas maraming trabaho at maayos na pamamahala sa bansa.

Ilan naman sa mga pinagbasehan ay ang kondisyon ng ekonomiya, kalagayang pinansyal, kung magkano ang kinikita ng isang pamilya.

Tumaas din ang bilang ng mga pamilyang nag-iimpok ng pera kabilang ang mga nakatatanggap ng OFW remittances.

Isinagawa ang survey mula February 5 hanggang 16 ng taong kasalukuyan sa higit 5,000 pamilya.

Facebook Comments