Isang magandang pagkakataon ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ASEAN -Japan Commemorative Summit para matukoy ang estado ng mga kasunduan at pledges na nalagdaan noong kanyang naging working visit sa Tokyo noong buwan ng Pebrero.
Mangyayari ito sa roundtable meeting na naka-schedule sa Lunes na kung saan ay malalaman ang progreso ng mga nalagdaang kasunduan at pledges.
Sinasabing umabot sa 35 investment deals na nagkakahalaga ng 13 billion US dollars o P708.2 billion ang napagkasunduan nuong working visit ni Pangulong Marcos noong Pebrero.
Tinatayang nasa 24,000 trabaho ang malilikha ng nabanggit na bilang na investment deals para sa mga Pilipino.
Facebook Comments