Estados Unidos, inutos na ang pag-alis ng 15 diplomat sa Cuba

World – Pinauuwi na ng US government ang 15 Cuban diplomats matapos ang misteryosong acoustic attacks.

Binigyan ng isang linggo ang mga Cuban personnel para lisanin ang kanilang puwesto.

Una nang inalis ng US ang mahigit sa kalahating US employee ng kanilang embassy sa Cuba dahil sa hindi maipaliwanag na pagkakasakit.


Ayon kay US Secretary of State Rex Tillerson, nabigo ang Cuba para protektahan ang kanilang mga mamamayan.

Magugunitang aabot sa 21 mga empleyado ng US embassy na nakabase sa Cuba ang dumanas ng mild brain trauma, pagkabingi at ang pagkahilo.

Facebook Comments