Panawagan ng Estados Unidos sa China na sumunod sa International Law (IL), tigilan ang kanilang “provocative behavior”, at galangin ang karapatan ng lahat ng bansa.
Ang panawagang ito ay ginawa ni U.S. Department of State Secretary Antony Blinken sa kaniyang mensahe sa ika-limang anibersayo ng arbitral ruling kaugnay sa South China Sea na inilabas ng Permanent Court of Arbitration noong July 12, 2016.
Ayon kay Blinken, na batay sa ruling, ang pag-aangkin ng China sa malaking bahagi ng South China Sea ay walang batayan sa International Maritime Law.
Wala ring karapatan ang China sa bahagi ng karagatan na tinukoy na parte ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ngunit, patuloy pa rin aniya ang China sa pagtaboy at pagpasok sa mga bansa sa Southeast Asia sa paligid ng South China Sea, na banta sa Freedom of Navigation sa nasabing mga karagatan.
Kaugnay nito, muling siniguro ni Sec. Blinken ang commitment ng Estados Unidos na ipagtanggol ang Pilipinas sa anumang pag-atake sa Philippine Armed Forces, public vessels, o aircraft sa South China Sea batay na rin sa Article IV ng 1951 U.S. – Philippines Mutual Defense Treaty.